VIRAL: DITO Sim Card Marami ang Dismayado at Hindi Makabili


Sa pagbubukas ng  DITO Telecom sa Davao at Cebu nitong March 8, marami ang natuwa at marami rin ang nadismaya dahil umano’y hindi sila nakabili ng Dito sim card.

Ayon sa mga netizens, hindi daw umano makakabili ng DITO sim card kung hindi ka bibili ng compatible phone na mabibili rin sa mga piling authorized seller. Hindi umano malinaw kung ang pagpapatupad ng “buy simcard+phone policy” ay ipinagutos ng telco o sa mga stores lamang.

Maaari naman daw bumili ng sim card via DITO website ngunit kailangan umanong mag register ang customer na gamit ang mga compatible devices sa bagong DITO sim card.

Ang DITO Sim Card ay compatible lamang sa mga handsets na may VoLTE support.

Umapela naman ang mga netizens sa bagong telco na linawin ang mga detalye para hindi malito at madismaya ang mga gustong lumipat sa kanilang serbisyo.

Ano ang masasabi mo sa isyung ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 162 Articles
Owner of zeibiz.com website.