WATCH: Residente ng Makati, Makakatanggap ng P5000 Ayuda Bawat Isa sa Programa ni Mayor Abby Binay


Makakatanggap ng 5000 pesos ang bawat residente ng Makati sa ilalim ng “Makatizen Economic Relief Program” ni Mayor Abby Binay.

Ayon sa announcement ni Mayor Abby, naglaan ng P2.7 billion ang Makati City Government upang mabigyan ng 5000 na ayuda ang bawat Makatizen na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ang mga qualified sa ayuda ay mga 18 years old pataas na nakatira sa Makati City o sa relocation sites ng lungsod sa Calauan Laguna at San Jose Delmonte Bulacan. Mga botante, Makatizen card holder at yellow card holder ng Makati Health Plus Program.

Bawat isa ay makakatanggap ng 5000 — kung apat ang qualified sa isang pamilya, 20,000 ang matatanggap nila. Makakatanggap din ang mga kasambahay ng 5000.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.

About Sherry Ann Guzman 2452 Articles
Shean is a television and entertainment editor at Zeibiz. She loves traveling and writing. She's based in United Kingdom. Email | Facebook