May mga nilabag ang ABS-CBN Corporation kung bakit hindi narenew ang franchise nito ayon kay FICTAP President Neng Juliano-Tamano.
Sa panayam ng GMA-News, sinabi ni Tamano na malayo ang franchise renewal na isinumete ng ABS-CBN noon 2014 kumpara sa original franchise nito noong 1995. Ayon kay Tamano, may idinagdagan ang ABS-CBN sa application kung saan nilagyan ng “S” yung “Channel.”
“Noong nag-apply sila noong 2014, dinagdagan nila ng S yung channel, naging channels. Magkaiba ang single channel sa channels o maraming channel kaya hindi sila nabigyan ng franchise noong panahon na yon,” paliwanag ni Tamano.
“It is a new application, kasi nilagay nila maraming channels para ma-justify nila yung kanilang mahiwagang black box o kaya yung TV Plus na ginamitan nila ng anim na channel na walang franchise.”
“Ginamit nila yung airwaves ng ABS-CBN na maraming channel at naningil sila sa taong-bayan na hindi dapat. Pag gumamit ka nang airwaves, that is free to air, hindi sila pwede maningil sa taong-bayan,” dagdag ni Tamano.
Panoorin ang buong panayam ng GMA-News sa video sa ibaba.
Panayam kay Neng Juliano-Tamano, presidente ng FICTAP
Panoorin ang panayam kay Neng Juliano-Tamano, ang presidente ng Federation of International Cable TV and Telecommunications Association of the Philippines o FICTAP, kaugnay ng cease and desist order ng NTC sa ABS-CBN.
Posted by GMA News on Tuesday, May 5, 2020
Itinigal ng ABS-CBN ang lahat ng operation nito sa TV at radyo noong May 5, 2020 matapos magisyu ng cease and desist order ang NTC sa kompanya. Napaso ang franchise ng ABS-CBN noong May 4, 2020.
Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.