Hanggat walang bakuna, hindi nya papayagan ang pagbubukas ng klase — ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang speech, Lunes ng gabi, May 25, 2020.
Ayon sa Pangulo, useless kung paguusapan ang pagbubukas ng klase sa sitwasyon ngayon.
“I will not allow the opening of classes, na dikit-dikit yang mga bata. Bahala na, hindi na makatapos. Wala nang aral, laro nalang, unless I am sure that they are really safe.”
“Para sa akin bakuna muna. Kapag nandiyan ang bakuna, ok na,” sabi ni Pangulong Duterte.
Sangayon ka ba sa Pangulo? Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.