VIRAL: Pastor Quiboloy muling Nagsermon sa Hamon ni Vice Ganda



Muling nagbigay ng pahayag si Pastor Apollo Quiboloy tungkol sa hamon sa kanya ng komedyanteng si Vice Ganda.

VIRAL: Pastor Quiboloy muling Nagsermon sa Hamon ni Vice Ganda

Matatandaan kasi noon na hinamon ni Vice Ganda si Quiboloy na pahintuin ang traffic sa ESDA at Ang Probinsyano sa show nya sa It’s Showtime.

At nito lamang May 19 sa kanyang programang Powerline sa Sonshine Media International Network, muling inungkat ni Quiboloy ang kontrobersyal na hamon sa kanya ni Vice.

Narito ang mensahe ni Quiboloy para kay Vice Ganda. Panoorin ang video sa ibaba.

Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo?

Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako diba. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo.

Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya nakita ko sa katatawa e. Halos mabali ang leeg niya.

Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan. Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon.

O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila.

Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya.

Nag-prophesize ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA.

Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo.

Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 105 Articles
Owner of zeibiz.com website.