Viral ang video na ito sa social media kung saan makikita ang isang OFW sa Saudi na tinamaan ng sakit na COVID-19 na humihingi ng tulong dahil umano’y walang ospital na tumanggap sa kanya.
Ayon kay Celedonio De Vega Buendia Jr, ang OFW na nagpositive sa COVID-19, tumawag sya sa hotline subalit ang sabi daw ay walang bakanteng ospital.
Dagdag pa nya, sya ay hirap na hirap at parang mlalagutan ng hininga pag mataas ang kanyang lagnat. Tanging gamot na bigay lang ng kaibigan na paracetamol at antibiotic lang ang kanyang iniinom.
Panoorin ang video sa ibaba.
Update: Nakaabot ang panawagan ni Celedonio sa awtoridad ng Naic, Cavite at kasalukuyang na silang nakikipagunayan sa OWWA. Nakarating na rin ito sa kaalaman ni Raffy Tulfo at kasalukuyan ng nakikipagugnayan ang team sa kinauukulan.
WRITE YOUR COMMENTS HERE!