VIRAL: Mga Nanay napaiyak habang Inirereklamo ang Kapitan dahil Pinilipi ang Binibigyan ng SAP



Hindi mapigilang mapaiyak ng mga residente ng Macapabellag, Guimba, Nueva Ecija habang nirereklamo ang kanilang kapitan dahil umano’y pinipili lang ang binibigyan ng SAP.

Mga Nanay napaiyak habang Inireklamo ang Kapitan dahil Pinilipi ang Binibigyan ng SAP
Mga Nanay napaiyak habang Inireklamo ang Kapitan dahil Pinilipi ang Binibigyan ng SAP

Ayon sa kanilang reklamo, hindi sila nabigyan ng ayuda mula sa gobyerno dahil umano’y pine-personal at pinipili lang ng kanilang kapitan ang makakatangap ng SAP sa kanilang barangay.

Anila, ang hindi dapat bigyan ang syang nakakatangap ng ayuda. Mga kakilala, kamag-anak at hindi lehitimong taga-barangay ang nabigyan.

Binunyag din ng mga ngrereklamo na nakatanggap ng ayuda ang mga manggagawa sa beerhouse ni kapitan na hindi residente ng Barangay Macapabellag.

Ang kanilang nirereklamo ay si Punong Barangay Leonardo Alejandro at manugang na si Jackilyn Cayog Alejandro na naglista ng mga target beneficiaries ng SAP.

Sa kabuuan, 42 na pamilya ng barangay Macapabellag, Guimba, Nueva Ecija ang nagrereklamong hindi nakatanggap ng ayuda.

Panoorin ang video sa ibaba.

Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 102 Articles
Owner of zeibiz.com website.