Viral ang video na ito sa Facebook kung saan makikitang humahagulgol ng iyak ang isang ina dahil umano’y pinalayas siya sa inuupahang bahay matapos hindi makapagbayad ng renta.
Ayon sa ginang, ikinandado ng may ari ang kanyang inuupahang bahay dahil hindi sya nakapagbayad ng P4,000 o isang buwang renta.
Dagdag pa nya, wala syang perang pambayad dahil nawalan sya ng pinagkakakitaan dahil sa lockdown. Nakiusap naman siya sa may-ari na bigyan ng kaunting palugit at ang makukuhang ayuda mula sa DSWD ang kanyang ipambabayad.
Panoorin ang video sa ibaba.
Dilang naman naka bayad ng1 month sa inuupahan pinalayas agad! Nasa panahon tayo ng pandemic. Pa share para ma aksyonan agad!
Posted by World Update TV on Sunday, May 3, 2020
Update: Narito ang full report tungkol sa insidenteng ito mula sa GMA News.
Mismong si Pangulong Duterte na ang nagbabala sa mga paupahan– 'Wag daw nilang palalayasin ang mga tenant nilang hindi nakakabayad ng renta sa mga panahong ito. Pero sa Caloocan, isang ginang ang pinaalis sa kanilang inuupahang bahay.
Posted by GMA News on Monday, May 4, 2020
Inaalam pa ng aming team kung saang lugar nangyari ang insidenteng ito at kung ano na ang kalagayan ng mag-ina ngayon. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lamang po ang aming social media account sa Facebook at Twitter.
Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.
WRITE YOUR COMMENTS HERE!