VIRAL: Kim Chiu Ginawan ng Full Version ang “Bawal Lumabas”



Matapos ang sangkaterbang pangungutya dahil sa kanyang “classroom” remarks, niyakap na ng aktres ang viral meme na “Bawal Lumabas” at ito ay kanyang ginawan ng full version.

Kim Chiu Ginawan ng Full Version ang "Bawal Lumabas"

Sa kanyang huling vlog, inamin ni Kim na ito ang pinaka-lowest point ng kanyang buhay. Ilang araw din syang lumayo sa social media dahil sa nangyari.

Ani Kim, marami syang natutunan at agpasalamat sya sa mga taong may nasabi sa kanya at dahil sa kanila ay naging trending ang pangalan nya.

Dagdag ni Kim, gusto nyang gawing positive ang negative at natutuwa sya na marami syang napasaya dahil sa Bawal Lumabas.

Sa tulong ni Adrian, DJ Squammy at Jonathan Manalo ng Star Music, binuo at dinugtungan ni Kim ang viral meme song na Bawal Lumabas.

Ano ang masasabi mo sa Full Version ng Bawal Lumabas? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 107 Articles
Owner of zeibiz.com website.