Sinampahan pa ng tatlong kaso ng NBI si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos ayon sa isang report.
Sa pinakahuling ulat ng Philstar, nagsampa pa ng tatlong kaso ang NBI laban kay Francis Leo Marcos dahil sa mga karagdagang violations. Ito ay ang paglabag sa passport law, anti-alias law at inciting to sedition.
Ayon sa NBI, gumamit si Mangusin ng dalawang pangalan at nagprocess ng passport gamit ang kanyang alyas at ito ay labag sa passport law at anti-alias law.
Ang kasong inciting to sedition naman ay inuugnay ng NBI sa isang viral video ni Mangusin tungkol sa “Mayaman Challenge.”
Inaresto ng NBI si Marcos nitong Martes sa bisa ng isang warrant na inilabas Baguio RTC dahil umano sa paglabag ni Marcos sa Optimetry Law kaugnay ng kanyang mga optical mission.
Sasampahan ng na kaso si Marcos dahil sa paglabag sa Republic Act Nos. 8040, 8042, 9208, 9262 o ang Optimetry Law, Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, Anti-Trafficking in Persons Act at Anti-Violence Against Women and their Children Act.
Sa ngayon ay nanatiling nasa custody ng NBI si Norman Mangusin aka Francis Leo Marcos.
Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.