LOOK: Teacher Ronnel Mas, Nakalaya na Matapos Magpiyansa



Nakalaya na si Ronnel Mas, ang teacher na nagviral at inaresto dahil sa pagbabanta sa buhay ng Pangulo, Martes ng hapon, May 20, 2020.

Teacher Ronnel Mas, Nakalaya na Matapos Magpiyansa

Ayon sa report, nakalaya na si Teacher Ronnel matapos nitong magpiyansa sa tulong ng Alliance of Concerned Teachers at Free Legal Assistance Group sa kinahaharap niyang kaso.

Nakalaya na matapos magpiyansa ngayong Martes si Ronnel Mas, ang guro na nagbanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte….

Posted by Sugbo Balita on Tuesday, May 19, 2020

Inaresto ng NBI si Ronnel matapos nitong magoffer ng P50 million reward sa kung sino man ang makakapatay kay Pangulong Duterte.

Ayon sa awtoridad, itinuring nilang national threat ang tweet ni Ronnel dahil ito umano’y banta sa buhay ng Pangulo.

Humingi naman ng tawad si Ronnel at sinabing hindi niya intensyon ang kontrobersyal na tweet. Aniya, naghahanap lang sya ng atensyon sa Twitter at hindi nya inakala na magiging ganun ang kakahinatnan ng pangyayari.

Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 104 Articles
Owner of zeibiz.com website.