Inaresto ng National Bureau of Investigation si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos nitong Martes May 19, 2020, dahil umano sa paglabag sa batas.
Ayon sa report, nagkaroon ng mga paglabag at sasampahan ng patung-patong na kaso si Francis Leo Marcos.
Ang mga umano’y batas na nilabag ay ang Republic Act Nos. 8040, 8042, 9208, 9262 o ang Optimetry Law, Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, Anti-Trafficking in Persons Act at Anti-Violence Against Women and their Children Act.
UPDATE: Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation ang negosyanteng si Norman Mangusin o sa mas kilala ng…
Posted by Joshua Angelo Tadeo Frial on Tuesday, May 19, 2020
Naging maugong ang pangalan ni Francis Leo Marcos sa social media nitong mga nakaraang buwan dahi sa kanyang “Mayaman Challenge” kung saan hinamon nya ang mga milyonaryo sa kanyang lugar na magpamahagi ng tulong sa mga mahihirap.
Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.
WRITE YOUR COMMENTS HERE!