LOOK: Francis Leo Marcos hindi pwedeng irelease ng NBI dahil sa Non-bailable Case



Hindi umano maaring irelease ng NBI si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos dahil sa non-bailable human trafficking case.

Francis Leo Marcos hindi pwedeng irelease ng NBI dahil sa Non-bailable Case

Ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin, hindi pwedeng irelease ng NBI si  Francis Leo Marcos dahil sa dalawa pang warrant of arrest kabilang ang may kinalaman sa human trafficking na non-bailable.

Inaresto ng NBI si Marcos nitong Martes sa bisa ng isang warrant na inilabas Baguio RTC dahil umano sa paglabag ni Marcos sa Optimetry Law kaugnay ng kanyang mga optical mission.

Sasampahan ng patung-patong na kaso si Marcos dahil sa paglabag sa Republic Act Nos. 8040, 8042, 9208, 9262 o ang Optimetry Law, Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, Anti-Trafficking in Persons Act at Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 117 Articles
Owner of zeibiz.com website.