Francis Leo Marcos Nabunyag ang Tunay na Pagkatao at Tunay na Pangalan “Norman Mangusin”



Natuklasan ng National Bureau of Investigation o NBI na ang tunay na pangalan ng sikat na social media influencer na si Francis Leo Marcos ay Norman Mangusin.

Francis Leo Marcos Nabunyag ang Tunay Pagkatao at Tunay na Pangalang "Norman Mangusin"

Inaresto ng NBI si Marcos ng Martes kahapon sa bisa ng isang warrant na inilabas Baguio RTC dahil umano sa paglabag ni Marcos sa Optimetry Law kaugnay ng kanyang mga optical mission.

Dahil dito, natuklasan ng awtoridad na Norman Mangusin ang kanyang tunay na pangalan at hindi Francis Leo Marcos.

Sinabi ni Francis na ang nanay nya ang nagbigay sa kanya ng pangalang Francis Leo at isa syang Marcos.

Dati na rin napagusapan sa kanyang vlog ang pangalang Norman Mangusin, subalit hindi sya ngbigay ng mga detalye tungkol dito. Pinahanap na daw nya ang pangalang Norman Mangusin at wala daw kahit isang criminal records silang nakita.

Sa huli, naglabasan ang iba pang warrant kay Marcos at ilan sa mga ito ay ang Republic Act Nos. 8042, 9208, 9262 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, Anti-Trafficking in Persons Act at Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Ano ang masasabi mo sa issue na ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 108 Articles
Owner of zeibiz.com website.