Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang kapitana at mga opisyales ng Barangay Libis Quezon City na nagsagawa ng parada para umano’y magpahatid ng pasalamat sa mga frontliners.
Bagamat maganda ang intensyon, umani ito ng samot-samung negatibong reaksyon mula sa mga netizens sa social media.
Makikita kasi sa video na nabalewala ang ipinapatupad na enhance community quarantine sa Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.
Panoorin ang video sa ibaba.
Ano meron nasugpo nyo na po ba covid?! Haysss dami na violate social distancing nawala tsaka na celebration (Kapitana me pa parada ka pa ano ito tapos na ba ang Quarantine natalo na ba natin ang Covid19. Oo modern heroes natin ang mga FRONTLINERS pero kailangan ba kayo pumarada at lumabas ang mga madlang pipol sa kanilang bahay?? Diba STAY AT HOME!! Me paparty ka pa sa kalye! Nagiisip po ba kayo???)Ctto :: Dave Ocampo
Posted by RED Vines PH on Thursday, April 9, 2020
Ano ang masasabi mo sa isyung ito? May mensahe ka ba para kay Kapitana Leny Leticia P. Glivano? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba.