“We stayed at work for you, please stay home for us,” yan ang mga katagang nakasulat sa card na hawak ng mga medical workers para paalalahanan ang publiko upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 disease sa Pilipinas.
Sa ganitong paraan ay maaring makaiwas ang karamihin sa nakamamatay na sakit kung sila ay mananatitli na lamang sa kanilang tahanan.
Ang pag self-quarantine, may sakit man o wala, ay isa sa pinakamabisang paraan upang makaiwas sa COVID-19 virus.
Samantala, mayroon nang 17 katao ang patay at 202 naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong bansa.
WRITE YOUR COMMENTS HERE!