Viral sa social media ang insidenteng ito kung saan makikita na napahagulgol sa iyak ang isang lola na hindi nabigyan ng relief goods dahil umano’y walang stub.
Ayon sa nagpost ng video, napaiyak nalang si lola matapos malaman na ang may mga stub lamang ang makakatanggap ng relief goods.
Para mabigyan ng donation, ang mga kapitbahay na lamang ang tumulong at nagpatunay na walang naghahanapbuhay sa kanyang pamilya.
Sa huli, nabigyan din ng tulong si lola at humingi ng pasensya ang namamahala sa pamimigay ng donasyon.
Ang insidente ay nangyari sa San Jose del Monte, Bulacan.
Watch: Sa San Jose del Monte,Bulacan napaiyak nalang ang isang ale,matapos malaman na ang may mga stub lamang ang makakatanggap ng relief goods mabuti na lamang ay tumulong ang mga kapitbahay upang patunayan na walang naghahanapbuhay sa kanyang pamilya at para mabigyan ito ng tulong.pakilike naman ng aking page kabayan.ctto
Posted by KabayangemTv on Friday, March 27, 2020
Samantala, nasa ilalim pa rin ang buong Luzon sa enhance community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa ngayon, mayroon nang 803 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at may 31 na ang gumaling, 54 naman ang binawian ng buhay.