Viral: Chung Bacunin Tricycle Driver na Nagbigay ng Libreng Sakay



Viral ngayon sa social media ang tricycle driver na si Chung Bacunin mula sa Pasig dahil sa pamimigay nito ng libreng sakay para sa mga health workers at mga resisdenteng bibili ng gamot at pagkain.

Chung Bacunin Tricycle Driver na Nagbigay ng Libreng Sakay

Ayon kay Ria Carl na ngupload ng litrato sa Facebook, hindi umano tinaggap ni Chung ang bayad na ibinibigay nya matapos siyang ihatid sa kanyang pupuntahan.

Kahit anong abot namin nang bayad di nya tinanggap.Salamat sayong kawang gawa kuya Gnuhc Bacunin .Mabuhay ka! ❤️

Posted by Rai Carl on Wednesday, March 18, 2020

 

Samantala, ipinatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon upang maagapan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 disease sa Pilipinas.

Mayroon nang 17 katao ang patay at 202 naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong bansa.

Ano ang masasabi mo sa mga kababayan natin na nagpapakita ng mabuting kawang-gawa sa gitna ng krisis? Magbahagi ng opinyon sa comment section sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 126 Articles
Owner of zeibiz.com website.