Viral ngayon ang isang online seller na nagngangalang Cherry Ann Tapallas dahil sa pagbebenta ng over-priced na Alcohol sa social media.
Ibinebenta ni Cherry Ann Tapallas ang isang bote ng alcohol sa halagang 750 pesos na malayong malayo sa orihinal na presyo nito na 68.50 pesos lamang.
Ang sampong bote ng alcohol ay ngkakahalaga ng 7,000 pesos na umanoy may discount na 500 pesos.
Eto ang totoong kalaban, di ang COVID-19 kundi ang mga ganitong klase ng tao! Eto naman ang update sa presyo ng alcohol ngayon! Napaka walang hiya mong babae ka!
Posted by Daniel Grey on Wednesday, March 11, 2020
Itinanggi naman ni Tapallas na hindi sya nagbebenta online. Nilinaw niya sa kanyang Facebook post na hindi sya online seller at maaring may galit sa kanya ang ngpakalat ng viral post.
THIS IS NOT ME & FOR THE RECORD I AM NOT AN ONLINE SELLER!
Posted by Cherry Ann Tapallas on Wednesday, March 11, 2020
Tumaas ang demand ng mga hygiene products matapos lumobo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa ngayon ay mayroon nang 49 na kumpirmadong kaso sa Pilipinas at inaasahan pang madaragdan ito sa mga susunod na araw.
Ano ang masasabi mo sa mga online seller na gumagawa ng mga ganitong gawain? Nagamit nga lang kaya ang pangalan ni Cherry upang sya ay siraan? Magbahagi ng opinyon sa comment section sa ibaba.
WRITE YOUR COMMENTS HERE!