Viral ngayon ang mga Online Seller na namamakyaw ng alcohol at iba pang hygiene products na ibinebenta ng mas mataas na presyo sa social media.
Kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dumagsa din ang mga mamimili sa mga supermarket para mamili ng mga stocks, pagkain at hygiene products.
Nagkaka-ubusan ang mga alcohol, hand sanitizer, hand wipes at tissue dahil umano sa pagbili ng maramihan ng mga online seller na nagbablak ibenta ang mga produkto ng mas mataas na presyo sa social media.
Sa Facebook post ng isang concerned citizen, may isang online seller na ibinebenta ang 70% Alcohol sa halagang P230 na mabibili lamang sa halagang P60. Ang 40% Alcohol naman ay nagkakahalagang P190.
shoutout sa mga salot sa lipunang reseller!pati nanahimik na alcohol sa grocery at pharmacy uubusin nyo tpos ibebenta…
Posted by Ivan Aquino on Tuesday, March 10, 2020
Shoutout po sa mga bumibili ng alcohol ng madamihan tapos ibebenta ng may malaking patong. Wag po ganon, nasa sitwasyon…
Posted by Mica Ella Quiambao on Tuesday, March 10, 2020
Ano ang masasabi mo sa mga online seller na gumagawa ng mga ganitong gawain? Magbahagi ng opinyon sa comment section sa ibaba.