Magandang Balita! Japan Nakagawa ng Mabisang Gamot Laban sa Coronavirus


Isang magandang balita! Japanese-made na gamot para sa flu na favipiravir, kilala din sa tawag na Avigan, ay natuklasang mabisa laban sa Coronavirus.

Japan Nakagawa ng Mabisang Gamot Laban sa Coronavirus

Ayon sa resulta ng test na isinagawa ng Wuhan at Shenzhen medical authorities sa China, lumalabas na epektibo ang gamot at gumanda ang kondisyon ng mga pasyente na sumailalim sa treatment.

Bumuti ang kondisyon ng baga ng 91% ng mga pasyenteng nabigyan ng naturang gamot at mas pinabilis ng 4 na araw ang pag-galing kumpara sa normal na 11 araw.

Highly-safe at wala rin daw kakaibang side-effects ang gamot. Ang Avigan ay ginawa noong taong 2014 at sinubukan sa Japan nitong February 2020.

Ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 ay nagnenegatibo sa loob ng ilang araw matapos mabigyan ng naturang gamot.

Wala pang nalilikhang gamot na panalaban sa Coronavirus. Ang Avigan ay isa lamang alternatibo upang bigyan ng lunas ang infection. Hindi rin daw umano epektibo ang gamot sa may malalang kondisyon ng COVID-19 disease.

Source: Techcrunch, The Guardian, New York Post

https://techcrunch.com/2020/03/18/japanese-flu-drug-appears-effective-in-coronavirus-treatment-in-chinese-clinical-trials/

https://www.theguardian.com/world/2020/mar/18/japanese-flu-drug-clearly-effective-in-treating-coronavirus-says-china

https://nypost.com/2020/03/18/japanese-flu-drug-clearly-effective-in-treating-coronavirus-officials-say/


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 180 Articles
Owner of zeibiz.com website.