LOOK: Lola Ponyang Bumuhos ang Tulong mula sa Netizens Matapos Mag-Viral


Matapos magviral sa social media, bumushos naman ang tulong kay Lola Ponyang ng Bulacan mula sa mga netizens.

Narito ang mga litrato kung saan makikita ang mga ibinigay na tulong ng netizens para kay Lola.

PARA PO KAY LOLA PONYANG… PATULONG PO PARA MAKUHA NI LOLA… SALAMAT SA MAKAPANSIN NA MAIHATID SI LOLA SA NORZAGARAY CROSSING… ,🙏🙏🙏🙏❤️❤️❤️

Posted by Vsjaang Vsjaang on Friday, March 27, 2020

Lola na nakuhaan ng video na umiyak dahil hindi nabigyan ng relief goods, binigyan ng tulong ng mga netizens. | via Annaliza Bermejo Ortiz, Richard Bondoc

Posted by Pinoy Juander on Saturday, March 28, 2020

Sa viral video, napahagulgol si lola matapos siyang lagpasan at hindi maabutan ng relief goods dahil umano’y wala syang stub.

Paliwanag ng mga opisyal ng Barangay, mayroon daw silang stub na ibinigay sa pamilya ni lola Ponyang.

“Meron po talaga siya na stub, eh, naibigay lang po sa anak dahil nga po siguro meron medyo pagka-diperensya ‘yung isip dahil na-apektuhan ng kanyang pagkaka-stroke,” ayon kay Barangay Captain Rolando Manuel sa panayan ng GMA News.

“Atsaka hindi rin po totoo na hindi po namin tinutulungan ‘yon. Katunayan nga po lahat po dito sa barangay namin, lahat po ng barangay namin nabigyan. Napakahirap po, gumagawa ka na ng mabuti pero tayo pa ‘yung nagiging masama,” dagdag ni Kapitan Manuel.

Ayon naman sa anak ni Lola Ponyang na si Jayson Samson, hindi raw stub ang ibinigay sa kanya ng kanyang nanay kundi quarantine pass.

“Wala po kaming stub dahil sinasabi po nila na meron kami – na nasa akin ‘yung stub po. Pero mali po ‘yung mama ko na pagsabi na may stub po kami. Akala niya po ‘yung stub na ‘yun ay ‘yung quarantine pass, so wala po talaga kaming stub. Bago ka bigyan dito ng relief goods, kailangan may stub ka muna.”

Para sa mga karagdagang balita, i-follow ang aming Facebook page at account sa Twitter.

About Zeibiz 219 Articles
Owner of zeibiz.com website.