Lalaking Nagbebenta ng Overpriced Alcohol sa Facebook, Arestado!



Arestado ang lalaking ito na nagbebenta sa Facebook ng overpriced alcohol sa Caloocan City.

Ayon sa report ng News5, ibinebenta ng lalaki ang isang bote ng 500ml alcohol sa halagang 140 pesos na nagkakahalaga lamang ng 74 pesos.

Arestado ang isang lalaking nagbebenta sa Facebook ng overpriced na alcohol sa Caloocan City. Ang isang 500ml na alcohol, ibinebenta niya ng P140 na dapat ay P74 lang ayon sa DTI. | via Faith del Mundo

Posted by News5 on Thursday, March 19, 2020

Tumaas ang demand ng mga hygiene product matapos ipatupad ang enhanced community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa Pilipinas. Ang alcohol at hand sanitizer ang ilan sa mga produkto na naubusan ng stocks sa mga pamilihan.

Samantala, mayroon nang 17 katao ang patay at 202 naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong bansa.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Zeibiz 105 Articles
Owner of zeibiz.com website.