Koko Pimentel Nagkalat ng Virus, Netizens Naghanap ng “KOKOte”


Binatikos ng netizens si Senator Koko Pimentel dahil umano’y sa pagkakalat nito ng coronavirus sa Makati Medical Center noong March 24, 2020.

Koko Pimentel Nagkalat ng Virus, Netizens Naghanap ng "KOKOte"

Mismong ang pamunuan ng Makati Medical Center ang nagsabi na binalewala ng senador ang infection control protocols ng ospital.

Senator Aquilino Martin Pimentel III breached MakatiMed hospital infection control protocols. March 24, 2020 -…

Posted by Makati Medical Center on Wednesday, March 25, 2020

Paliwanag ng senador, nasa loob na siya ng MakatiMed nang malamang positibo siya sa sakit.

“We arrived in MMC at around 6-7pm of March 24, 2020. RITM called me at 9pm of March 24, 2020 to inform me of the Positive COVID result. I never intended to breach any protocols but I realize now that my presence in MMC unnecessarily caused additional anguish and concern.”

Samantala, trending naman sa Twitter ang #KOKOte, #KokoVID19, #KokoKulong at #KokoResign nang sumabog ang balitang positibo ang senador.

Maraming netizens ang nagalit at sinabing hindi ginamit ng senador ang kanyang “KOKOte.”

Si Koko Pimentel ay isa sa mga PUIs at naka-home quarantine dahil umano sa pagkaka-expose sa virus sa isang hearing session.

Ilan sa mga kapwa senador tulad si Nancy Binay, Migz Zubiri na ngpositibo din, ay sumailalim din sa home quarantine.

Dahil umano sa hindi pagsunod ng senador sa home quarantine procedure, maaring naiklat at naipasa nito ang virus sa ibang tao.

Ano ang masasabi mo sa isyung ito? Magbigay ng opinyon sa comment section sa ibaba. Para sa karagdagang balita, i-follow ang aming Facebook page at account sa Twitter.

About Zeibiz 219 Articles
Owner of zeibiz.com website.