Grupo na nasa likod ng pagkawala ng Mocha Uson Blog sa Facebook, iisa-isahin ang mga umano’y FB Pages na nagpapakalat ng mga maling impormasyon at balita.
Inako ng Bantay Nakaw Coalition na sila ang may kagagawan ng pagka-deactivate ng Mocha Uson Blog Facebook Page.
Inisagawa ng grupo ang mass reporting ng page ni Mocha Uson noong Byernes ng gabi, Marso 20 at nagtagumpay ang grupo ng mawala ang page bandang alas otso ng gabi.
Anila, “panahon na upang bawasan ang mga kasinungalingan sa social media.”
PANAHON NA UPANG BAWASAN ANG KASINUNGALINGAN SA SOCIAL MEDIA!Mamayang 8PM NGAYONG GABI, SABAY-SABAY nating ireport ang…
Posted by Bantay Nakaw Coalition on Friday, March 20, 2020
Ayon sa grupo, isa lamang ang Mocha Uson Blog sa mga listahan ng Facebook Page na gusto nilang mawala dahil umano sa pagkakalat ng mga maling balita. Magsasagawa uli ang grupo ng mass reporting sa mga sususnod na araw.
Hindi pa malinaw kung talagang permanenteng burado na o pansamantala lang ang pagkawala ng Mocha Uson Blog sa Facebook.
Ano ang masasabi mo isyung ito? Magbahagi ng opinyon sa comment section sa ibaba.