America’s Got Talent Champions FAKE and RACIST? Marcelito Pomoy Gets Robbed?


Hindi pa man itinatanghal ang grand winner ng America’s Got Talent: The Champions, marami na ang nadismaya at nagsasabing minanipula ang TV Show at hindi pinili ang karapatdapat na manalo sa kompitisyong ito.

America's Got Talent Champions FAKE and RACIST? Marcelito Pomoy Gets Robbed?

Ayon sa mga nakalap naming balita, matagal nang tapos ang taping ng America’s Got Talent: The Champions at mayroon na itong winner.

Sa kasalukuyan, naipalabas na ang Final performances ng Top 10 acts at sa susunod na Lunes naman ilalabas ang resulta ng botohan.

Ayon sa aming source, ang grupong V.unbeatable ang nagwagi at si Marcelito Pomoy ay umabot lamang sa pang-limang pwesto. Hindi pa kumpirmado ang mga impormasyong ito subalit maraming viewers ang nakapuna sa lantarang pagmanipula ng show partikular na sa performance ni Marcelito Pomoy.

Nauna nang sinabi ni Marcelito na hindi siya ang pumili ng Final song na “Beauty And The Beast” kundi ang mga tao sa produksyon ng palabas na sa pagkaka-alam niya ay may approval ito mula kay Simon Cowell.

Noong nagbigay ng komento ang mga hurado tungkol sa kanyang final performance, makikita na mayroong manipulation na naganap.

Sinabi ni Simon na “predictable” ang song choice na pinili ni Marcelito, na kung tutuusin ay sila ang pumuli ng kanta.

Sinabi rin ni Simon na “You’ve got a massive career in front you” na matatandaan ding sinabi niya ito kay Marcelito noong Semifinal performance ng “Time To Say Goodbye.” Hindi ito inulit kundi ginamit ng AGT ang parehas na clip sa Semifinals at Finals comment ni Simon para kay Mercelito.

Marami rin ang nagsasabing racists ang show at hindi pinapaboran ang mga may tunay na kakaibang talent para manalo. Dahil kung ang pagbabasehan ay ang publiko, siguradong ang mananalo ay si Marcelito Pomoy.

Isa na sa pinakamalinaw na ebidensya ay ang milyon-milyong views ng bawat performances ni Marcelito sa kompetisyon. Siya lamang ang kalahok sa seryeng ito ng AGT ang may pinakamaraming views sa Youtube at Facebook.

Naniniwala ka ba na scripted at ang mismong show ang pumipili ng mananalo at hindi ang publiko? Ginamit nga lang ba ng AGT si Marcelito para sa ratings? Ano ang masasabi mo sa isyung ito? Magbahagi ng opinyon sa comment section sa ibaba.

Sa susunod na Lunes ipapalabas ang results at ia-announce ng America’s Got Talent ang winner ng The Champions Season 2. Mapapanood ito sa NBC.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!