Taal Horse Owner, Sinagot ang Akusasyong ni Erwin Tulfo na Pagabandona sa mga Alagang Kabayo



Binuwelatahan ng isang horse owner si Erwin Tulfo tungkol sa akusasyon nitong pag-abandona sa mga alagang kabayo sa kasagsagan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Taal Horse Owner, Sinagot ang Akusasyong ni Erwin Tulfo na Pagabandona sa mga Alagang Kabayo

Ayon kay Tulfo, iniwan daw ng mga may ari ang mga kabayo matapos pagkakitaan noong hindi pa sumasabog ang Taal.

Bwelta ng horse owner:

“Tulfo, ito na ang sinasabi mo pinabayaan namin. Sinasabi mo na pinabayaan namin ang aming mga kabayo.”

“Ako po ang tunay na Pilipino, hindi si Tulfo na husto sa dada, ala gawa.”

“Saan siya nakatala na mumurahin niya ang tao, bakit ano ang akala niya sa kabayo? Bata na basta papasanin? Hindi naman, a!”

“Kabayo ‘yan, hindi ‘yan dadalawang kilo! Hindi ‘yan sasampung kilo! Mag-isip-isip!”

“Naturingang malaki ang pinag-aralan, mataas, pero kami mababa lang, pero kami, hindi nawawalan ng isip kahit nakalog na nakalog na ng bulkan.”

“‘Yan ang pagkakaiba!”

Hindi lahat ng naka pag tapos MATALINO. #erwintulfo

Verry well said ! Hindi man tayo nakapag tapos yung utak naten gumagana! BANAT NG isang Batangueño kay erwin tulfo!

Posted by Trending Videos on Wednesday, January 15, 2020

Ano ang masasabi mo sa isyung ito? Mag-iwan ng komento sa ibaba.


WRITE YOUR COMMENTS HERE!
About Mikko Sebastian 194 Articles
Mikko is a television and tech writer. He has been a contributing writer for Zeibiz since 2015. Email | Facebook