Ipapatawag ng Land Transportation Office si Tomas Mendez, ang doctor na sangkot sa isang raod rage, upang magpaliwanag tungkol sa insidenteng kinasasangkutan nya.
Ayon sa LTO, kasalukuyan nang gumagawa ng hakbang ang kanilang ahensya upang maipatawag at mahingan ng paliwanag ang road rage suspect na si Dr. Tomas Mendez.
Humingi na rin na tulong ang LTO sa iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association (PMA) na gumawa ng aksyon sa nasabing insidente.
ISANG PAALALA MULA SA DOTrSa mga panahon po na tayo ay biglang ma-involve sa isang traffic incident, huwag po sanang…
Posted by Department of Transportation – Philippines on Sunday, December 1, 2019
Nagviral ang video ng insidente na kinasasangkutan ni Tomas Mendez at isang van driver matapos mai-upload sa social media ang video ng kanilang pagtatalo.
Sa video, makikitang sinisigawan at nagbitaw ng maaanghang na salita si Tomas Mendez laban sa van driver.
Ayon sa van driver, may bagay na ibinato sa kanilang sasakyan kaya nya ito kinompronta. Bwelta naman ni Mendez, ginigitgit sya ng van driver at gustong banggain ang kanyang sasakyan.