Umani ng suporta si teacher Melita Limjuco mula sa netizens matapos siyang ireklamo sa programang Raffy Tulfo in Action ng isang nanay at lola nang child abuse at pamamahiya ng istudyante.

Ayon sa reklamo, pinalabas daw ng guro ang studyante sa classroom at sinagawan sa kadahilanang hindi umano naisauli ang class card.
Napahiya at na-trauma daw ang grade-2 student sa nangyari.
Paliwanag ng guro, dinidisiplina lamang niya ang studyante.
Humingi ng paumanhin at inamin ng guro na nasobrahan ang aksyong kanyang nagawa.
Binigyang pansin ni Raffy Tulfo ang reklamo at napagkasunduan na hindi na sasampahan ng kriminal case ang guro. Bilang kaparusahan sa nagawang kasalanan, ang guro ay tatanggalin sa serbisyo at aalisan ng lisensya.
Marami ang hindi sumangayon sa desisyon ni Raffy at nakatangap ito ng maraming negatibong komento mula sa kanyang viewers.
Anila, hindi makatarungan at hindi patas ang naging desisyon.
Dumagsa ang suporta para kay teacher Melita Limjuco kabilang na ang alok na tulong ng isang abogado para sa guro.
Sa ngayon, nagkaayos na ang dalawang panig sa tulong ng DepEd supervisor.
Anong masasabi mo sa isyung ito? Magbigay ng iyong komento sa ibaba!
WRITE YOUR COMMENTS HERE!