Dismayado ang mga netizens kay Raffy Tulfo ng ibigay nito ang kanyang suporta para isang nanay at lola laban sa isang teacher.

Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action, matatandaang humingi ng tulong ang isang nanay at lola ng grade-2 student kay Raffy para ireklamo ang isang teacher na si Melita Limjuco ng pagmaltrato at pamamahiya sa kanyang anak.
Ayon sa reklamo, pinalabas daw ng guro ang studyante sa classroom, sinagawan at sinabihang “manigas ka dyan” sa kadahilanang hindi umano naisauli ang class card.
Kita ang nasabing insidente sa CCTV footage ng paaralan.
Paliwanang ng guro, ito ay paraan ng kanyang pagdisiplina sa bata.
Humingi ng paumanhin at inamin ng guro na nasobrahan ang aksyong kanyang nagawa.
Subalit nagmatigas ang lola at hindi tinanggap ang paumanhin ng guro. Hindi raw niya umano mapapatawad ang guro sa ginawa niya sa kanyang apo.
Sa huli, nagkasundo ang dalawang panig na hindi na sasamapahan ng kasong kriminal ang guro subalit ito ay tatangalan nalang umano ng lisensya.
Narito ang buong video.
Umani ng samot-saring reaksyon ang episode at marami ang hindi sumangayon sa pagpabor ni Raffy Tulfo sa mag-ina laban sa teacher.
Marami ang nagsabing, mababaw lang ang kaso at hindi na dapat nakarating sa programa.
Marami rin ang nagpakita ng suporta sa teacher at marami ang nainis sa nagreklamong nanay at lola.
Sa ngayon, ang video ay may mahigit ng 1-million views at may tumatagingting na mahigit na 100k dislikes.
WATCH: Raffy Tulfo Admits Mistake Over Mother vs Teacher Case