ABS-CBN news reporter Chiara Zambrano shares a heartbreaking story between her and a marine soldier who died in a military operation in Marawi City.
In her viral post on Facebook, Zambrano tells her last conversation with a marine soldier named Tsg Dinglasa, which turns out to be a sad goodbye.
Read her post below:
“Pagbalik ko, liligawan kita.”
Mahina lang ang pagkasabi niya, halatang biro lang para patawanin ang mga katabi niyang tropa. Eh kaso tumalbog yung tunog papunta sa’kin sa kabilang kalsada.
“Narinig ko yon,” sabi ko. Nagtawanan sila. Si Tap di malaman kung saan magtatago at hiyang hiya.
“Bumalik ka muna nang buhay, saka tayo mag-usap,” ang huli kong sinigaw. Kumaway siya nang nakangisi, sabay andar na ng truck papunta sa Mapandi Bridge.
Hindi na nakabalik si Tsg Dinglasan nang buhay noong araw na iyon. Siya ang kaisa-isang Marine na pumanaw noong araw na binawi ng Marines ang Mapandi Bridge mula sa kamay ng mga terorista. Ang buddy niya, iyang nakangiti sa tabi niya, ay nasugatan din.
Salamat sa serbisyo, Tap. Natuwa naman ako na kahit paano, lumusob ka sa laban nang nakatawa.
Meanwhile, the Philippine army are still fighting against the Maute group in Marawi City. Death toll from the siege reaches 175 including civilians, enemies and military forces.
WRITE YOUR COMMENTS HERE!