WATCH: Xander Ford Nagpakilig ng Kababaihan, shocking New Look pinakita sa Rated K


Hindi napigilang mapasigaw at mapalundag ang mga kababaihan nang makita ang bago at napakagwapong mukha ni Xander Ford noong Lingo sa programang Rated K.

Halos lahat ay hindi makapaniwala sa napakalaking pagbabago ng itsura ni Marlou Arizala na kilala ngayong Xander Ford nung ipasilip niya sa kauna-unahang pagkakataon ang results ng pagpaparetoke ng kanyang mukha sa Rated K.

Xander Ford Rated K New Look

Noon nakaraang buwan, sumailalim si Marlou para iparetoke ang kanyang baba at ilong. Ipinayos din nya ang kanyang ngipin, kilay at mga labi.

“Natupad na po ‘yung pangarap ko. Masakit pero kaya pero ito talaga yung goal ko para mabago ko yung sarili ko,” sabi ni Marlou.

“Gusto ko po bumalik sa pagaartista at seryosohin ang trabaho para makatulong talaga sa magulang ko,” dagdag pa nya.

Sa video, makikita ang mga kababaihan na nagsisigawan at naglundagan nun lumabas sa stage si Marlou.

Si Xander Ford ay dating miyembro ng Hasht5. Sumikat ang grupo sa paggawa ng mga cover video ng mga sikat na boy band.

Nagsolo at sinubukan ni Marlou pasukin ang pagaartista. Swerte naman at nagkaroon sya ng mga proyekto kasama ang mga sikat na artista sa telebisyon.






Write your comments here!