WATCH: Joey de Leon Issues Public Apology about ‘Depression’ Remarks

Joey de Leon issues public apology regarding his remarks about depression on Friday, October 6, 2017.

Eat Bulaga host Joey de Leon has said sorry about his controversial about depression on Friday.

Joey de Leon Issues Public Apology about 'Depression' Remarks

De Leon said “sorry” and admitted that he made a mistake.

Nagkamali po ako. Dala ng gulo at tuksuhan natin, naging mababaw lang at magaan ang pagtanggap ko sa salitang ‘yan.

Hanggang nabanggit ko nga ‘yung ‘Wala, gawa-gawa lang ‘yan ng ibang tao. Yun kasi ang paniniwala ko na ang stress tsaka depression, halos magkapantay lamang. Huwag niyong asahan na alam ko ang lahat ng bagay sa mundo.

Habang nabubuhay po tayo eh natututo tayo ng mga bagong mga bagay-bagay. Nagkamali po ako.

So, tungkol po sa depression na nabanggit ni Maine, eh pinagalitan ako ng misis ko, si Eileen. Pag-uwi ko pa po, pinaliwanag niya at pati ‘yung mga anak namin, sinabi, ‘Daddy, hindi stress ‘yan at depression.’ ‘Hindi, ‘yun ang alam ko eh. ‘Yung iba ‘pag nawalan lang ng boyfriend, nade-depress.

So nagga-ganu’n pa ako, pinaliwanag niya. Lalo akong nahiya sa sarili ko nang banggitin ni Eileen na may malalapit kaming mahal sa buhay na nagdurusa sa ganu’ng kalagayan.

So ako’y nanghihingi ng paumanhin sa mga napaitan sa mga nabanggit ko at humihingi ng inyong unawa.

Kagabi, tinawagan ko si Maine. Nag-sorry ako kay Maine agad dahil siya ‘yung nagbanggit nu’n sa usapan naming tatlo sa depression. Medyo nakaluwag ‘yung paghinga ko. Hirap na ako matulog hanggang hindi umaabot itong pagkakataon na ito.

Kung may maidudulot mang mabuti ‘yung aking pagkakamali, sana mabuksan ang maraming pinto sa pagtalakay sa issue na ito. Hindi ko alam na ganu’n kalawak at kalalim pala iyon. Akala ko, stress lang.

So uli, humihingi po ako ng kapatawaran sa mga nasaktan, nagalit. I’m sorry at may kasabihan naman tayo na, ‘Mapait man ang ugat ng karunungan o edukasyon, karaniwan namang matamis ang binubunga nito.

Yun lang po at maraming salamat po.

Joey de Leon was heavily criticized for taking depression lightly. De Leon said that depression was just made up by those who are suffering from it.

What can you say about this issue? Share your thoughts and opinion on the discussion box below.


Write your comments here!
About Mirex Sebastian 4637 Articles

Head editor at Zeibiz covering topics on technology, entertainment and television. He’s based in Philippines.
Email | Twitter | Facebook